Posts

Showing posts with the label Palawan
Image
Hidden Roadside Beauty of Brgy. Sagrada, Busuanga, Palawan Hindi lahat ng pinakamagagandang tanawin ay nasa mga sikat na tourist spots. Minsan, matatagpuan mo ang mga ito sa mga kalsadang tahimik mong tinatahak. Sa aking road trip mula Coron patungong Salvacion, Busuanga , isang tanawin sa Brgy. Sagrada ang nagpahinto sa akin. Tinatayang nasa 30 kilometro mula sa Coron Town Proper at halos 18 kilometro na lamang bago marating ang Salvacion , biglang bumukas ang tanawin ng luntiang kabundukan, malalawak na kapatagan, at sariwang hangin na tila nagsasabing huminto muna at namnamin ang ganda ng kalikasan. Marami ang nag-aakalang ang Coron ay puro mga isla at bangka lamang. Ngunit ang kakaunting nakaranas ng land travel papuntang Busuanga Municipality ay alam na may isa pang mukha ang Palawan, mga scenic mountain roads, tahimik na mga baryo, at mga tanawing hindi pa naaabot ng karamihan. Bagama't nasa iisang isla, magkaibang munisipalidad ang Coron at Busuanga , at ang paglalakbay...